Balik-loob sa Blogspot!

Di ko alam bakit biglang pumasok sa utak kong ubod ng bipolar na baguhin ang blog na ito at magsulat ng kung anik-anik. Inggitera lang siguro talaga ako sa mga taong kayang magsulat ng kahit ano tungkol sa buhay nila. Parang ako dati. Sulat dito, sulat dun. Wala kasi akong pakelam kung may makakabasa man ng blog ko kasi alam ko naman na wala talagang nagbabasa neto! Hahaha. Pero dahil lumaki ang ulo ko nung nadagdagan ng magandang numero ang "followers" ko sa blog ko, e ayun, naging preso na din ako na nakakulong sa kung ano lang ang gusto ng mga taong mabasa sa akin.

Nakakawala pala talaga ng gana minsan ang pagba-blog kung iisa lang ang topic mo. Sabi ko nun, ayokong magaya sa iba na parang di na totoo ung virtual self nila sa totoong sila. Di ko nalang namalayan, ganun na din pala ako. Nakakalungkot yung di ka na pwedeng malungkot kasi takot ka na sa mga sasabihin ng mga readers mo o worse, mawalan ka ng readers. Tanga ko lang. Di naman pala ako nagbo-blog para sa kanila, kundi para lang sa sarili ko! Oh well, papel. Ayan, sana naman ay matauhan na ako.

Isa pa palang dahilan ng pagbuhay ko dito sa blog na ito ay dahil sa bi-nlock sa PC ko sa office ang Facebook, Twitter at Tumblr. Kaya wala na akong mapagsasabugan ng hinanakit sa mundo kaya ayan, balik-loob sa Blogspot! Hooray!!

Christmas party na namin sa Thursday. Excited na ako dahil ang sexy ko lang sa damit ko! I-aachieve ko ang corset kahit walang boobs! Hahaha!

This entry was posted in . Bookmark the permalink.

Leave a Reply