EKIS!


Di ko alam kung paano sisimulan -- sisimulang balikan ang isang bagay sa nakaraan. Chos lang.

Lately, nakakausap ko palagi yung ex ko. Tawag ng tawag. Sabi niya, miss nya daw ako. At niloloko pa akong di daw sila talaga ng current gf nya sa Facebook, na pawang palabas lang daw nila yun. Pero syempre, bilang ex ko sya at nakasama ng halos 5 taon, alam ko na ang laro niya. At alam ko din na oo, namimiss niya nga siguro ako. Ako pa? Chos. Di naman talaga maiiwasan iyon, ano?

Hindi maayos ang paghihiwalay namin. Madaming panunumbat, at sa lahat ng iyo, halos dumating sa puntong isinusuka ko sya pati ang naging samahan namin. Sadyang tunay na kasiyahan nga siguro ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, nagawa ko syang kalimutan at patawarin -- siya at ang sarili ko.

Di ko alam kung kelan kami pwedeng maging magkaibigan ulit. Yung tipong pag sinabi niya miss nya ako, alam kong di niya ako nilalandi lang. O kung sinabi man niyang miss nya ako, masasabi ko din un pabalik sa kanya. Sa ngayon kasi, parang oo, napatawad ko na kaming dalawa, pero wala pa din dun yung tiwala at respeto. Wala pa din yung pagpapahalaga sa pinagsamahan. Ngayon, mas gusto ko pading umiwas kesa bigyang buhay ang pagkakaibigan namin. Dahil sa ngayon, puno pa din ng pagdududa ung puso ko sa kanya.

Di naman talaga siya ang dahilan ng hiwalayan namin. Siguro sa bersyon ng kwento niya, ako ang mali. Sa bersyon ko naman, madaming siyang pagkukulang -- o baka nasobrahan din siya, nasakal ako, o kaya nagsawa. Di ko na matandaan. Ang punto, napagod siya sa akin dahil sa pagiging hindi ko kuntento sa aming dalawa. Hehehe.

Walangya yun, alam kong friends na kami ulit sa Facebook pero biglang di na naman. Inisip ko nalang, baka nga di pa siya ready na makita yung bagong bersyon ng Mish. Well, di pa din naman ako ready na maging casual sa kanya. Pwede pala yun ano? Yung moved on ka na, pero ayaw mo pa din munang bumalik sa casual na kayo. Sa kung anong dahilan, ewan.

Anyway, naisip ko kasing magpalit nalang ulit ng number pero dahil pagod na din naman akong tumakbo e hahayaan ko nalang. One day, makakasanayan na din sigurong wala na talaga. :)

This entry was posted in . Bookmark the permalink.

Leave a Reply